Marikina News

Marikina inaugurates enhanced Chinese Pagoda
Pinasinayaan nina Marikina City Mayor Marcy R. Teodoro at Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Romando S. Artes ang mas pinalaki at pinagandang Chinese Pagoda sa Marikina River Park.
Ang bagong atraksyon ay matatagpuan sa Marikina Riverpark sa Barangay Sta. Elena.
May sukat na 1,200 metro kwadrado at may walong haligi na sumisimbolo ng magandang kapalaran.
Tampok ngayon sa parke ang mga food stalls kung saan maaring kumain habang namamasyal sa baybay-ilog.
Agaw-pansin din ang bagong disenyo ng Pagoda lalo pa’t ayon sa paniniwala ng mga Chinese ay suwerte ang hatid nito.
Nasa pagtitipon din ang Ina ng Lungsod Congresswoman Maan Teodoro, bagong MMDA General Manager Procopio Lipana, mga opisyales ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry (PCCI), mga local city and barangay officials, at mga opisyal mula sa business and academe.
Ang Chinese Pagoda ay sumisimbolo sa mas pinalakas na relasyon ng Tsino at Filipino na inaasahan pang magpapatuloy sa mga susunod na henerasyon.