Articles worth reading
Senate Majority Leader Joel Villanueva

Senator pushes synergized action to cut unemployment

account_balanceMetro Manila access_time5 days ago

Senate Majority Leader Joel Villanueva wants the private sector and government agencies to put up a unified program that will generate some 1.7 million jobs annually to address the country’s unemployment woes, according to a report by Phil...

Manila News

Manila mayor signs P22.2-billion budget

account_balanceManila News account_circleNoah James chat_bubble_outline0 Comments

Pormal nang nilagdaan ni Punong Lungsod Dra. Maria Sheilah "Honey" Lacuna-Pangan ang Ordinansang Panlungsod Blg. 8919 o ang Executive Budget ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na nagkakahalagang 22.2 bilyong piso para sa taong 2023 ngayong ika-28 ng Nobyembre.

Bilang Alkalde, binigyan diin nya ang layunin ng Lungsod na iangat ang antas ng serbisyong pampubliko na pinamalas sa paglaan ng kalahati ng nasabing badyet sa mga programang panlipunan at pangkalusugan.

Kabilang dito ang mga benepisyong ibinibigay sa mga senior citizens, mga may kapansanan sa Lungsod at mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila.

Advertisement

Nakapaloob rin dito ang programa at proyekto kaugnay ng pagpapatupad ng "Universal Health Care" sa Lungsod ng Maynila.

Maliban sa mga ito, may nakalaan ding badyet sa imprastraktura tulad ng pagpapatayo ng gusaling magsisilbing Crisis Intervention Center for Women and Children at silid-aklatan.

Ipagpapapatuloy din ang Pamahalaang Lungsod ang pagpapaigting sa mga programa para sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan.

Kung kaya nagpahayag ng pasasalamat ang Alkalde kay Bise Alkalde John Marvin "Yul Servo" Nieto na namumuno sa konseho ng Maynila na siyang nagpasa ng nasabing badyet.

Nagpasalamat din siya kila Majority Floor Leader at Konsehal ng ikatlong distrito na si Ernesto "Jong" Isip Jr. at kay Minority Floor Leader, konsehal ng ika-anim na distrito at pinuno ng Committee on Appropriations na si Salvador Philip Lacuna maging sa lahat ng bumubuo ng Konseho ng Maynila para sa episyenteng pagsusuri at pagpapasa ng nasabing badyet.

Ayon sa kanyang talumpati, makaaasa ang mga Manileño na patuloy ang walang kapagurang serbisyo ng kauna-unahang babaeng Punong Lungsod sa pamamagitan ng pagpapadama ng "pagmamahal ng isang ina at kalinga ng isang doktora."


date_rangeDate Published
2 months ago
shareShare article
folder_openArticle tags
content_copyCategorized under

Share your thoughts with us

Related Articles

No releated news for this article.
×
Click on the article to continue reading
Quezon City adopts no contact apprehension system Red Cross pushes saliva test Vaccines from COVAX to arrive in Q1 Makati Shangri-La to close doors on Feb. 1 Cities in NCR to start vaccination simultaneously Mother, girlfriend of Filipino infected with UK variant also test positive Send Press Release MNC Facebook Page MNC Twitter Page MNC Instagram Page LGU Spotlight Barangay Front Business Sports Entertainment Metro Gen Metro Feature