Metro News

Garbage collectors are also ‘frontliners' in fight vs. COVID19
Tahimik ang mga kalsada, parang hindi Metro Manila. Para bang araw-araw ay Mahal na Araw na. Pero ang totoo, lahat ay nasa loob ng mga tahanan.
Stay at home. Bahay muna. Buhay muna. Ito ang palagiang paalala ng pamahalaan sa gitna ng pangamba dulot ng sakit na coronavirus disease of mas kilala sa COVID-19.
Sakit na wala pang lunas. Sakit na kumitil na ng mga buhay, ‘di lamang sa ating bansa maging sa buong mundo.
Advertisement
Nakakatakot kung iisipin. Kaya palagiang paalala sa atin ng Department of Health at mga otoridad na maghugas ng mga kamay at panatiliing malinis ang kapaligiran. Pero papaano lilinis ang kapaligiran kung wala ang mga taga kolekta ng basura?
Sa umaga, maririnig na sa aming kalsada ang tugtog mula sa trak na dala. Nagpapahiwatig na nariyan na sila.
Ang mga kapit-bahay namin ay nakahanda na rin sa kanilang pagdating. Inilalabas na ang mga basura sa kanilang mga tahanan.
Naka mask at gwantes din ang mga kumukuha ng basura bilang proteksyon sa sakit.
‘They just come and go,’ ‘ika nga. Marami pang kalsadang iikutan.
Bukas, sa makalawa, ayan na naman sila sa ilalim ng initan. Mangongolekta ng mga basura upang mapanatili ang kalinisan.
Iba man ang eksena ng kanilang ginagalawan, magpasalamat tayo sa ating mga basurero. Sapagkat sila ma’y ‘frontliners’ din.
Share your thoughts with us
Related Articles

DOH health workers undergo orientation
Sumailalim sa orientation ang mga doktor at nurse na ipinadala ng Department of Health upang maging karagdagang health workers sa mga quarantine facility ng lungsod. "Nagpapasalamat tayo sa DOH para sa additional health workers na magiging katu...

Smart, InnoPub to support Cebu exhibit
A chronicle of the richness of the Archdiocese of Cebu’s historical patrimony, the Panaw sa Pagtuo: The Journey of Faith at 500 Years of Christianity Travelling Exhibit is set to be launched on April 11, at SM City Cebu Northwing, according to ...

PNP reports 2 new Covid-related deaths
Two policemen succumbed to the coronavirus disease 2019, bringing the Philippine National Police (PNP) death toll to 44 as of April 11, according to a report by Philippine News Agency. The PNP confirmed in a statement that the fatalities w...

The struggles in 2020 of the casino industry in the Philippines
Do you want to learn more about the challenges and predictions for the gambling industry in the Philippines? Find all answers in this article!