Caloocan News

Caloocan gives free tablets to students
Sinimulan na ang pamamahagi ng mga libreng tablet na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan para sa mga mag-aaral mula Grade 9 hanggang Grade 12 sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Pinangunahan nina Mayor Oca Malapitan at Congressman Along Malapitan ang pamamahagi ng libreng tablet ngayong araw sa mga magulang ng mga mag-aaral na Grade 11 at Grade 12 ng Bagong Barrio Senior High School, Caloocan High, School, Tandang Sora Integrates High School, Caloocan City Science High School, at MB Asistio High School.
Tiniyak ni Mayor Oca na ipamamahagi na rin ang mga libreng tablet para sa mga Grade 9 at Grade 10 sa mga pampublikong paaralan sa mga susunod na araw.
Advertisement
"Ang proyektong ito ay pinagsikapang maisakatuparan ng ating Pamahalaang Lungsod upang makatulong sa ating mga mag-aaral kaugnay ng ipinatutupad na blended distance learning," pahayag ni Mayor Oca.
"Tayo ay nagpapasalamat sa mga bumubuo ng ating Pamahalaang Lungsod, sa Schools Division Office (SDO) ng Caloocan na pinangungunahan ni Dr. Nerissa Losaria. Salamat sa pagiging katuwang natin sa pagsusulong na magbigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa lungsod bagamat tayo ay nasa gitna ng pandemya," dagdag ni Mayor Oca.
Kasama rin namahagi ng mga tablet sina Coun. Karina Teh, Coun. Vince Hernandez, Coun. Obet Samson, Coun. Lanz Almeda, Coun. LA Asistio, Engr. Arnold Divina, at Kap. Melvin Rufino.
Share your thoughts with us
Related Articles

San Juan prepares for Covid-19 vaccination
San Juan City concluded a two-day simulation of its vaccination campaign, according to a report by Philippine News Agency. Mayor Francis Zamora said the dry run is part of the city government's preparation for the National Immunization Prog...

Muntinlupa trains health workers for vaccination rollout
The City of Muntinlupa is set to order an additional 200,000 doses of COVID-19 vaccine from AstraZeneca as more local government units in the country sign a purchase deal with the British pharmaceutical firm and the national government. Mayor Jaime ...

Caloocan reports 20% decrease in crime rate
Bumaba ng 20 porsyento ang naitalang crime rate sa lungsod ng Caloocan simula Oktubre 23, 2020 hanggang Enero 15, 2021, kumpara sa kaparehong petsa noong nakalipas na taon. Ito ang iniulat ni Caloocan Police chief Col. Samuel Mina sa Caloocan Peace ...

The struggles in 2020 of the casino industry in the Philippines
Do you want to learn more about the challenges and predictions for the gambling industry in the Philippines? Find all answers in this article!