Caloocan News

Caloocan mayor joins vaccination rollout
Nakiisa si Mayor Oca Malapitan sa unang araw ng Covid-19 vaccination rollout sa isa sa mga Covid-19 referral hospitals sa bansa, ang Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Center sa Tala, Caloocan City.
Kasama sina Covid-19 Vaccine Czar Sec. Vince Dizon, Department of Health (DOH) Asec. Elmer Punzalan, Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Center Chief II Dr. Alfonso Famaran, Jr., at Nursing Services Chief Samuel Sumilang, sinaksihan ni Mayor Oca ang simula ng pagbabakuna sa mga health worker gamit ang Sinovac vaccine.
Naunang bakunahan si Dr. Famaran at Nurse Sumilang at sumunod si Sec. Dizon. Sila ay dumaan sa limang istasyon: Registration, Screening, Counseling and Final Consent, Vaccination at Monitoring pagkatapos mabakunahan.
Advertisement
Bagamat nais na rin magpabakuna upang mas tumaas ang kumpyansa ng mga mamamayan sa bakuna, ang Punong-Lungsod na isa ng senior citizen ay kasama sa mga hindi nirerekomenda ng DOH at Food and Drug Administration para sa Sinovac vaccine.
"Kahit na gusto po natin ay kailangan po natin sumunod sa guidelines ng pamahalaang nasyunal. Nawa sa susunod na dating ng bakuna ay makapagpabakuna na ako para mas mahikayat ang mga taga-Caloocan na magpabakuna rin," ani Mayor Oca.
Sa kaniyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Oca ang kaniyang pasasalamat sa pamahalaang nasyunal at sa lahat ng magigiting na health workers na nasa unahan ng laban kontra Covid-19.
"May panlaban na po tayo. Huwag po natin sayangin ang pagkakataon na ito. Hanggat maaari ay magpabakuna po tayo para sa unti-unting pag-ahon natin sa pandemyang ito," pahayag ni Mayor Oca.
Share your thoughts with us
Related Articles

Barangay Upper Bicutan residents threaten to hurt social workers
The Taguig City government suspended on Tuesday the distribution of the national government’s financial assistance in Barangay Upper Bicutan after residents not on the list of beneficiaries stormed the venue and threatened to hurt social worker...

Pateros suffers delay in cash distribution
Pateros started on Tuesday the payout of the national government’s financial assistance to residents affected by the enhanced community quarantine (ECQ) but warned that it will be slow due to lack of manpower, according to a report by Manila Bu...

Caloocan welcomes support of USAID
Taos-pusong ipinaabot ni Mayor Oca Malapitan ang kaniyang pasasalamat sa United States Agency For International Development (USAID) at Department of Health (DOH) para sa tulong at suporta na natatanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan kaugnay ng p...

The struggles in 2020 of the casino industry in the Philippines
Do you want to learn more about the challenges and predictions for the gambling industry in the Philippines? Find all answers in this article!