Caloocan News

Caloocan recognizes outstanding individuals
Mga natatanging indibidwal at organisasyon naman para sa taong ito ang binigyan pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa isinagawang Monday flag-raising ceremony.
Binigyan-parangal si Police Major Deo Dela Cruz ng Caloocan Police para sa larangan ng Peace and Order; Senior Inspector Jayce James Rosaroso ng Caloocan City Bureau of Fire Station para sa larangan ng Public Safety; Mark Nathaniel Revilla ng Schools Division Office-Caloocan para sa larangan ng Edukasyon sa panahon ng Makabagong Teknolohiya; Danilo Duyan ng Schools Division Office-Caloocan para sa larangan ng Edukasyon sa panahon ng New Normal; Jocelyn Pancito ng Schools Division Caloocan para sa larangan ng Edukasyon sa pamamagitan ng Social Services; at Tanaw Productions ng University of Caloocan City para sa larangan ng Sining.
Bilang kinatawan ni Mayor Oca Malapitan, ipinaabot ni City Administrator Engr. Oliver Hernandez ang pagbati para sa mga natatanging indibidwal at organisasyon sa lungsod para sa taong ito.
Advertisement
"Maraming maraming salamat sa inyong makabuluhan at hindi matatawarang serbisyo sa mga taga-Caloocan higit na ngayong panahon ng pandemya. Nawa'y ang pagkilalang ito ay magsilbing inspirasyon upang tayo ay magpatuloy sa ating mga adhikain para sa kapakanan ng publiko," ani CA Hernandez.
Share your thoughts with us
Related Articles

Pateros suffers delay in cash distribution
Pateros started on Tuesday the payout of the national government’s financial assistance to residents affected by the enhanced community quarantine (ECQ) but warned that it will be slow due to lack of manpower, according to a report by Manila Bu...

6,991 Pasay City residents get assistance
Pasay City is speeding up the delivery of financial assistance from the national government of P1,000 per person or P4,000 per family to about 123,000 approved beneficiaries of the Department of Social Welfare and Development (DSWD), according to a r...

Caloocan welcomes support of USAID
Taos-pusong ipinaabot ni Mayor Oca Malapitan ang kaniyang pasasalamat sa United States Agency For International Development (USAID) at Department of Health (DOH) para sa tulong at suporta na natatanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan kaugnay ng p...

The struggles in 2020 of the casino industry in the Philippines
Do you want to learn more about the challenges and predictions for the gambling industry in the Philippines? Find all answers in this article!